Puna ng Guro (Report Card)
PRINTABLE COPY HERE!Mula sa "The Modern Teacher"
ULAT NA PASALAYSAY (Narrative Report) sa Report Card ng mga Mag-aaral
Author: Ascension Y. Vito (Pakil Elementary School) October 1993
Narito ang ilang batayang halimbawa ng Ulat na Pasalaysay (Narrative Report) na maaaring paghanguan ng mga guro sa kanilang pag-uulat sa Report Card ng bawat mag-aaral sa bawat Pamanahunang Markahan.
- Nagpamalas ng maganda at kasiya-siyang panimula. Ipagpatuloy kung hindi man mapaunlad pa ito.
- Masiglang nakikibahagi at nakikilahok sa mga pagtatalakayan sa klase.
- Kasiya-siya ang ipinakitang pag-unlad sa pag-aaral.
- Kapuri-puri ang ipinamalas na kahusayan/ kakayahan sa Asignatura.
- Nagpamalas ng pagpupunyagi upang mapaunlad ang kakayahan.
- Kainaman ang pag-unlad niya sa mga aralin.
- Masigasig sa paggawa at pagtulong sa mga gawain sa silid aralan at paaralan.
- Ipagpatuloy ang pagiging laging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
- May magandang gawi sa pag-aaral kung kayat laging handa sa mga pagtatalakayan sa klase.
- Laging nagpupunyaging paunlarin ang kakayahan. Panatilihin ito.
- Kalugud-lugod ang ipinamalas na ugali at disiplina sa paaralan.
- Mahusay at marunong makibagay sa kapwa-bata sa loob at labas ng paaralan.
- Higit na mapauunlad/mapatataas ang mga marka kung iiwasan ang mga di-makabuluhang pakikipag-usap sa katabi sa oras ng klase.
- Sikaping bigyan ng higit na pagpapahalaga ang pag-aaral.
- Magkaroon ng higit na pagnanais na mapaunlad ang mga marka.
- Bigyan ng higit na pansin at pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga asignaturang may mabababang marka.
- Iwasan ang mga bagay na makahahadlang sa mabuting pag-aaral/ pagkatuto.
- Sikaping makibahagi sa mga talakayan sa klase tuwi-tuwina.
- Ugaliing makinig sa guro habang nagtuturo sa klase.
- Pag-ukulan ng higit na pansin ang mga gawaing pagbabasa at pagsusulat.
- Pagtuunan ng higit na pag-aaral ang mga araling nauukol sa mga bilang Matematika.
- Magkaroon ng wastong paraan/pamamaraan sa pag-aaral upang umunlad.
- Iwasan ang mga bagay na nakahahadlang/sagabal sa ika-uunawa ng mga aralin.
- Sikaping mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa lalo na sa Wikang Ingles.
- Ugaliing laging maging handa sa mga takdang-aralin sa araw-araw.
- Pag-ukulan ng matamang pansin ang mga araling kinahihirapan.
- Sikaping higitna mapaunlad at mapataas ang mga marka.
- Dagdagan ng higit na interes at pagpapahalaga ang mga gawaing nauukol sa asignaturang kinahihirapan.
- Sikaping higit na maihanda ang sarili sa laong mabigat na gawain/ pag-aaral sa susunod na baitang/taon/pag-aaral.
- Sikaping maihanda ang mga gawaing-bahay o takdang aralin sa pagsisimula ng klase.
- Iwasan ang pagiging malilibangin sa oras ng klase.
- Magkaroon ng kanais-nais na gawi sa pag-aaral upang umunlad ang mga marka.
- Sikaping makilahok sa mga gawaing pampaaralan.
- Ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga aralin/sa pagbasa/ sa pagsulat/ kahit na nasa bahay lamang.
- Pag-ibayuhin ang pagpupunyagi sa pag-aaral sa susunod na baitang/taon.
- Ipagpatuloy ang ipinamalas na kasiglahan sa pag-aaral.
- May sariling kusa sa paggawa ng mga gawain sa paaralan.
- Kinapansinan ng angking kakayahan sa pamumuno.
- Mapagkakatiwalaan sa iniaatas na gawaing pampaaralan.
- Isang malugod na pagbati sa magandang ugaling ipinamalas sa buong taon ng pag-aaral.
- Bigyan ng higit na pagpapahalaga ang mga gawain sa pag-aaral.
- May angking interes at tiyaga sa pag-aaral. Ipagpatuloy ito.
- Kinapansinan ng angking talino sa larangan ng _________.
- Nangangailangan ng higit na pagsubaybay sa pag-aaral.
- Ang pagpupunyagi ang iyong puhunan. Ipagpatuloy ang pagsusumikap.
- Maligayang bati sa iyong pagtatapos!