๐๐๐ฆ๐๐๐๐ก | ๐ ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ฝ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฌ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ
Enero 20, 2022 โ Matatanggap na ng mga guro at kawani ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang kanilang Performance-Based Bonus (PBB) para sa Fiscal Year 2020.
Itoโy makaraang masuri ng Inter-Agency Task Force on the Harmonization of National Government Performance Monitoring, Information and Reporting Systems (AO25 IATF) ang Kagawaran bilang eligible para sa taunang insentibo sa mga performing agencies.
โWe have consistently introduced reforms in our processes to help our employees provide better services to our stakeholders. I thank the whole DepEd family for contributing to these reforms and to our goal of improving our performance amidst challenging times,โ ani Kalihim Leonor Magtolis Briones.
โWe hope to continue this culture of excellence in the Department as we strengthen our programs and projects for basic education,โ dagdag ni Kal. Briones.
Sa isang liham ng Tagapangulo ng AO25 at Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Badyet at Pamamahala (DBM) Kim Robert De Leon, nasuri na ang DepEd ay nakasunod sa 14 sa 15 naaangkop na pamantayan para sa 2020 PBB. Ito ang pinakamataas na bilang ng nasunod na pamantayan mula nang magsimula ang PBB noong 2012. โSince the start of PBB implementation in 2012, this is the first time that DepEd got almost a 100% compliance in all of the PBB indicators,โ pagbibigay-diin ni Pangalawang Kalihim Cabral.
โDepEd is ensuring that it will continue its process improvement through the institutionalization of the National Quality Management System (NQMS) to meet the eligibility indicators for PBB 2021,โ dagdag ni Pang. Kal. Cabral.
โ[DepEd] embarked on developing the BE-LCP to enable basic education learners to continue learning and for teachers to deliver instruction in a safe work and learning environment amid the threat of COVID-19,โ pagbabanggit ng AO25 IATF sa kanilang pinal na pagsusuri sa streamlining at pag-unlad ng mga proseso ng ahensya sa pagbibigay mga serbisyo.
Humiling din ang Kagawaran sa AO25 IATF ng re-validation sa pagsusumite ng Undertaking of Early Procurement para sa halos 50% ng goods at services matapos masuri ng DepEdโs PBB Secretariat na ang Central Office at lahat ng mga Regional Offices ay nakasunod sa nasabing pamantayan, hanggang noong Oktubre 15, 2021.
Samantala, kasama ang school-based personnel sa tatanggap ng FY 2020 PBB, na ibabase sa resulta ng DepEd school-level RPMS para sa 2020.
Bilang ang DepEd ay kinumpirmang eligible ng AO25 IATF, pangungunahan ng DBM ang pagbibigay ng bonuses. Ang mga kawani ng paaralan ang unang makatatanggap ng kanilang bonuses, kasunod ang SDO-based personnel na nakatalaga sa mga paaralan, susundan ito ng mga School Division Offices (SDOs), Regional Offices (ROs), at panghuli, ang Central Office (CO).
Ida-download ng DBM ang mga pondo sa kanilang mga Regional Offices (ROs), at direktang ipamamahagi sa DepEd ROs at SDOs sa kani-kanilang tauhan na kabilang sa mabibigyan ng PBB.
Source; DepEd Philippines