A proverb is a simple, concrete, traditional saying that expresses a perceived truth based on common sense or experience. Proverbs are often metaphorical and use formulaic language. Collectively, they form a genre of folklore.
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. (wikipedia.org)
Download the following Hi-Resolution Posters below:
1. Huwag gawin sa iba, ang ayaw mong gawin sa iyo. |
| ||
2. Kung ano ang puno, siya ang bunga. |
| ||
3. Kung walang tiyaga, walang nilaga. |
| ||
4. Pulutin ang mabuti, iwaksi ang masama. |
| ||
5. Pagkahaba-haba man ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy. | |||
6. Ang umaayaw ay hindi nananalo, ang nananalo ay hindi umaayaw. | |||
7. Ang katotohanan kahit na ibaon, mabubulgar din pagdating ng panahon. | |||
8. Ang ginagawa sa pagkabata, kadalasan ay nadadala sa pagtanda. | |||
9. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin. | |||
10. Bawat isa sa atin ay arkitekto ng ating kapalaran. | |||
11. Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim. | |||
12. Ang kaginhawaan sa kasiyahan matatagpuan at 'di sa kasaganaan. | |||
13. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. | |||
14. Pagsasama ng tapat, pagsasama ng maluwat. | |||
15. Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa kaysa pahayag na dakila. | |||
16. Ang magandang asal ay kaban ng yaman. | |||
17. Ang magalang na sagot ay nakakapawi ng poot. | |||
18. Madali ang maging tao, mahirap magpakatao. | |||
19. Ang mabigat gumagaan 'pag napagtutuwangan. | |||
20. Ang hindi tumupad sa sinabi, walang pagpapahalaga sa sarili. | |||
21. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos ay nakatunganga. |
| ||
22. Daig ng maagap ang masipag. | |||
23. Ang tunay mong pagkatao nakikilala sa gawa mo. | |||
24. Hanggang maiksi ang kumot, magtiis na mamaluktot. | |||
25. Ang 'di lumingon sa pinanggalingan ay di makakarating sa paroroonan. |
#Salawikain #HDPosters
High Resolution Posters are made exclusively for DepEdK12.com by Irvin N. Ecalnir. Photos: pixabay.com (Creative Commons)
Other related posters: